iamkakasince1991 - love, life & pain
love, life & pain

it's my drama. appreciate my flaws & learn from my mistakes. it's okay to cry your heart out but don't forget that there's always a second chance. be strong but don't forget to be yourself. you can be wild and carefree but don't forget to be serious at times. oh remember to laugh too! life is amazing and unfair at the same time... deal with it even if it's not the reality that you wanted!

300 posts

Nakakatawa Ka!

nakakatawa ka!

umiiyak ka kasi umiiyak siya. sa tingin mo ba alam nia na umiiyak ka din? e bakit nga ba bigla na lng pumatak yang mga luha mo? kala ko ba hindi ka isa sa kanila? bakit ka nalungkot? bakit ka nainis? bakit ka nagalit?

inaamin ko na ngayon na nasasaktan akong nasasaktan sila. umiiyak ako kasi umiiyak sila. hindi ako masaya kasi malungkot sila ngayon. imbis na nagsasaya sila at nagcecelebrate, e pihado nanghihinayang sila. sayang talaga. sayang. bakit kung kelan huli na ang lahat tsaka ko pa narealize ito...

sana next time makuha niyo na ang dapat na sa inyo. sana next time tears of joy na yan. alam ko kayang-kaya niyo yan... be strong guys. fighting! mahal ko kayo and ayokong makita na nalulungkot kayo...sorry kasi hindi ko ginawa iyong mga dapat kong gawin para suklian ang hardwork niyo.sorry. i am very sorry....


More Posts from Iamkakasince1991

14 years ago

fuck me!

WHY DO I FEEL THIS WAY??????????????


Tags :
14 years ago
Here's A Snapshot Of Me And My Very First Earned Money From Yesterday...

Here's a snapshot of me and my very first earned money from yesterday...

I got 40 bucks for babysitting 3 kids aka watching iCarly the whole afternoon with them and playing "Life"...

Now i have money to buy Luo Zhi Xiang's new album ^^


Tags :
14 years ago

Umiiyak.

Umpe miss na miss na kita... Pang apat na beses na natin icecelebrate ang pasko ng hindi magkasama. Sobrang nalulungkot ako. Hindi ko mapigilan maluha from time to time kapag naaalala kita this past few days. Kasi i wanted to be with you pero impossible siyang mangyari ngayon. Gustong-gusto kong yakapin ka. Magpasalamat sayo. Sabihin sayo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa akin. Umpe miss na miss na talaga kita. Sana andito ka na at kasama ko kasi i am sure na kung nandito ka hindi ako malulungkot ng ganito. Yayapusin mo ako ng mahigpit na mahigpit habang sinasabi sa akin na mahal na mahal mo ako. Na hindi mo ako pababyaan at palagi tayong magkakasama. Hindi mo ako iiwan. Tatanungin mo kung okay lang ako. Kung anong kailangan ko. Kung may masakit sa akin. Umpe sana andito ka na lang talaga. Mas maaappreciate ko pa siguro kung ikaw anf kasama ko ngayon. Hindi tulas ngayon na umiiyak ako ng ako lang ang nakakarinig. Mahirap na wala ka dito sa tabi ko. Wala akong protector. Wala akong kakampi. Walang nakakaappreciate ng mga maliliit na bagay na ginagawa ko. Walang pumupuri sa akin. Walang nagaalala sa akin. Walang naniniwala sa akin. At higit sa lahat walang ngpaparamdam sa akin na mahalaga ako at mahal na mahal ako. Ikaw lang umpe ang nagparamdam niyan sa akin. Ikaw lang ang nagtitiwala at nagmamahal sa akin ng walang ineexpect na kapalit. Napakaswerte ko na sa iyo ako lumaki at hindi mo ako pinabayaan. Gusto ko din magsorry sayo kasi hindi ko agad pinahalagahan ang mahigit 16 years natin na magkasama. Sorry talaga umpe. Kung may hihilingin man ako ngayon ay sana bumalik tayo sa dati noong tayo lang dalawa. Itatama ko ung mga pagkakamali ko. Ipaparamdam ko sayo kung gaano ako ka thankful na pinalaki, inaruga, pinahalagahan at minahal ng sobra. Ipaparamdam ko din sayo kung gaano kita kamahal. Umpe sana andito ka. Sana magkasama na lang ulit tayo. Ayos lang sa akin kung amoy barbeque ka. Kung gabi ka na umuwi. Kung minsan napapalakas ang boses mo. Basta ang mahalaga magkasama tayong dalawa. Magkatabi natutulog. Naririnog ko boses mo. Nayayapos kita sa gabi. Kinakamutan mo ako ng likod. Ok lang sa akin kahit wala tayong pera. Wala tayong makain. Wala tayong bagong damit o gamit. Ang mahalaga ay magkasama tayo. Umpe miss na miss na talaga kita. Gusto ko paalam sayo ito pero hindi ko alam kung papano. Ayaw ko na magaalala ka pa sa akin. Gusto ko makarelax ka lang, i-enjoy ang buhay. Gusto kong suklian lahat mg sakripisyo mo para sa akin. Umpe mahal na mahal talaga kita. Ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kung papipiliin nila ako, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko. Mas gugustuhin ko pa din na ikaw ang makakasama ko. Umpe namimiss mo din ba ako? Naiisip mo din ba ako ngayon?? Gustong gusto na talaga kita makasama. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Salamat ng madaming madami. Palagi kang mag iingat ha. One day, magkakasama din tayo. Magiging masaya ulit tayo. I miss you! And i love you so much...


Tags :
14 years ago

I'm feeling blue idek why...

Is it because Christmas is just around the corner???

Maybe, yes. I'm not 100% sure. But this thing sure has an effect to why i am feeling this way...

I get so emotional easily... I get teary-eyed everytime i remember something that has been a part of my past. Especially the occasions i spent with my family and friends.

Before kasi, kapag ganitong month everything seems perfect and stress-free. Puro saya lang. Nakalimutan na ang mga problems, nasosolve ung mga misunderstandings... Masaya lang with my loved ones.

Pero ngayon, i feel blue. I feel lonely. I guess kasi miss na miss ko na din silang lahat. I wanna meet them again pero i know na malabo pang mangyari un... Matagal tagal pa aantayin ko. *sigh

Siguro namiss ko lang ung smiles at tawa nila. Ung christmas tree, parol, christmas lights, exchange gifts pati na din ung mga nangangaroling... Hehehe kulabg lang siguro ako sa christmas spirit kea ako nagkakaganito ngaun...

Memories, oh memories~~

Lilipas din to im sure. Hopefully.

14 years ago

Feb02

Panu ba yan february na naman... 12 days until hearts' day and as usual i have no special man to celebrate that special day... Gaaah until kelan kea ako magsosolo??? Sna dumating na ang prince charming ko soon. I cant wait to celebrate hearts' day everyday ^^


Tags :