Sulat - Tumblr Posts

7 years ago

Ilang beses ko man sabihin na baka hindi ito para sakin. Babalik pa rin ako, sa musika at sining. Ilang beses ko man di aminin, may hilang di ko kaya pigilin. Darag ng buhay kong dun lagi patungo, Sigaw na kailangan ulit ang konting alay ng puso Ilang beses ko man iwasan ang lahat ay nagbibigay linaw, pati ang akalang pag-lisan ay mga panandaliang liban lamang. Yayakapin kita muli. Dadalhin sa mga lugar na di natin pinili. Bubuhayin ang mga natulog na salita, Isasaboy muli ang mga kulay na nawala.


Tags :
6 years ago

Nakikinig ako ngayon ng mga kanta na sinulat ng mga random at underrated na tao. Ang saya pakinggan kahit di ko kilala kasi sobrang raw nung lyrics nila, di na gaano mahalaga kung kwento nila yon o sinulat lang nila para sa isang importanteng tao. In a way, nakakamiss din talaga yung musika. Yung tapang magsulat ng damdamin. Ugh, ang sarap sa pakiramdam na may matatapang na patuloy sa pagiging open lang, bahagi nila yung puso nila sa iba by means of sulat at tugtog. Iba eh, may hatak talaga.

Tuloy lang sana natin kahit minsan walang lumalabas na tamang salita. Salamat sa mga biglang dating ng inspirasyon, ito siguro yung hawa na hanap ko. Please, wag tayo titigil. :)


Tags :
6 years ago

Para sa mga gabi na blanko, humuhugot pilit ng mga ideya sa taong di naman kilala. Konsepto, yun ka. Yun ka lang.


Tags :
4 years ago

Baka naman ... kahit kunwari lang ...

may magpanggap na concern sakin...

kahit di totoo..


Tags :